Monday, June 10, 2013

San Perdo Calungsod kaagapay ng Pilipino sa PANANAMPALATAYA

San Pedro Calungsod

                       Mga Pilipino ay nagdiwang nung mabalitaan na tayo ay magkakaroon ng bagong Pilipinong santo at ito ang isang Visayan Proto-Martyr na si San Pedro Calungsod isang binata na tinaguriang patron ng mga Kabataan. Isang 17 taong gulang na bata na isa sa mga naging Katekista o tagapaglaganap ng salita ng Diyos, bilang isang binata siya dapat ay naglalaro o namumuhay na bilang isang bata ngunit sa kabila ng kanyang kamusmusan siya ay taos pusong naglingkod sa ating Panginoon upang palaganapin si Kristo bilang ating taga-pagligtas.

Ano nga ba ang magagawa para masundan natin ang yapak ni San Pedro Calungsod?
-Bilang isang simpleng bata o teenager madami tayong magagawa upang palaganpin ang paniniwala natin kay Kristo, Madaming paraan para tayo ay sumunod sa yapak ni San Pedro Calungsod maari nating gamitin ang mga talento natin na isa sa mabisang paraan upang mapalaganap ang ating pananampalataya ngayon sa panahaon ngaun nauuso ang media tulad ng twitter at facebook at marami pang iba...ito ay ating magagamit upang magasalita at ipakilala si kristo sa mga taong napapalayo at naliligaw ng landas. Magagamit natin an ating sarili bilang isang saksi ni Kristo para tayo ay maging Kristo din sa ating kapwa. Tulad ni Kuya Pedro aralin antin ang BIBLIYA upang mas lalong maintindihan ang tugkol kay Kristo at upang tayo rin ay makatulong sa iba na mahikayat silang mag-aral din ng Banal na Kasulatan na nagpapakilala kay Kristo bilang ating taga-pagligtas at upang mapalawak natin ang ating Pananampalataya.

                    Hindi lang tayo isang simpleng bata o teenager tayo may magagawa at may malaking tungkulin sa ating pamilya at lalong-lalo sa ating kapwa, tayo ang siyang ginagamit ng tulay ng ating Panginoon upang palaganapin ang kanyang kaharian dito sa lupa. Tayo ay inaatasan ng Panginoon na tulungan siya upang hanapin ang mga nawawalang tupa tulad ng paghahanap ni Kuya Pedro sa taong naligaw ng kanilang paniniwala. Nawa ang ating bagong Santo na si Kuya Pedro ay maging ating katulong sa pagpapalaganap ng ating PANANAMPALATAYA hilingin natin ang kayang tulong upang tayo ay magtagumpay sa ating tungkulin.