Sunday, February 24, 2013

"KRISTO pag-asa sa panahon ng kwaresma"

Sa panahon ngaun maraming problemang dumarating sa buhay na siyang nagiiging sanhi ng ating panghihina at pagdadalamhati at malala pa ay nauuwi sa kamatayan. Ano nga ba ang problema? bakit may problema? para saan ang mga problema? yan ang madalas na tanong natin sa Panginoon at madalas pa nga sinusubok pa natin ang Diyos.

            Problema ba ang kinakatakot mong harapin, Ang mga ito ay pagsubok lamang isang pasusulit sa atin ng Panginoon dito ka niya tinitignan kung hangang sa kakayanin at hangang saan ang pananampalataya mo sa kanya.

             Tandaan mo kapatid nandyan ang Panginoon para tulungan ka niya hindi ka niya kayang pagbayaan ibinigay niya nga ang kanyang bugtong na anak upang iligtas ka at sagipin sa kamatayan at iahon sa kasalan. Ikaw pa kaya na anak niya, Ikaw pa kaya na nilikha na kawangis niya hindi magagawa ng Diyos na iwanan ka sa lugmok na panahon, hindi ka niya pababayaang maglakad ng mag-isa sasamahan ka niya sa iyong paglalakabay sa lupang ito. Manalig at sumampalataya ka lang sa kanya, tulad nga sabi niya sa kanyang salita  "kumatok ka ikaw ay pag bubuksan, humanap ka at ikaw ang makakasumpong, humingi ka at ikaw ay pagbibigyan". Ito ang pangako niya sa atin  tyangi lamang nating gawin ay tumawag sa kanya at hinding-hindi ka niya pababayaan sa panahong ikaw ay malungkot siya ang iyong gawing sandigan, siya ang iyong lapitan sapagkat si "KRISTO ang pag-asa ng buhay" siya ang kasagutan sa lahat. Si KRISTO "ang daaan, ang katotohanan at ang buhay".

             Sa mga problemang darating siya lang ang iyong tawagan dahil siya ang kaibigan na hindi humihingi ng kapalit, hindi humimihingi ng ano mang kabayaran. Siya ang kaibigan na pwede mong iyakan at sabihan ng lahat ng iyong nadarama sa mundong puno ng hapis at ipadadama niya sayo ang langit.

"CHRIST is HOPE!"

GOD BLESS!

Friday, February 22, 2013

Sino si Maria?

Sino nga ba si Maria??

      Simple lang naman ang kasagutan tungkol sa tanung na yan, Si Maria ay isang dalagang babae na ikakasal sa isang lalaki na si Jose, Si Maria ay isang babae na maka-Diyos,madasalin at masunurin. Ito lamang ang simpleng katangian ni Maria ngunit nagbago ang lahat ng ito ng siya puspusin ng Diyos.

           Si Maria ay Ina ng Panginoong Hesus, siya ang naglihi at nagpalaki kay Hesus maaring sinasabi ng iba na, Bakit magkakaroon ng Ina ang diyos kung siya ay talagang diyos? simple lang sapagkat ang Panginoong Hesus ay nagkatawang tao at si Maria ang kanyang Ina. Si Maria ay THEOTOKOS sa simpleng sabe siya ang INA NG DIYOS.

       Maala natin ng siya ay dumalaw sa kanya pinsan na si Santa Elisabet nagsasayaw ang kanya bata sa sinapupunan at napawit siya sa kagalakan at nasambit ang mga katagang "Ina ng aking Panginoon"(Lucas 1:43) kilala ni Elisabet na si Maria ay ang Ina ng kanyan Panginoon. Kinilala ng Ama si Maria bago pa lamang siya ipinganak at si Maria ay ipinanganak ng walang bahid ng kasalanang mana, noon pa lang ay prineserba na siya ng Ama upang magdala sa ating Panginoong Hesus.

       Si Maria para sa ating mga mananampalataya ang siya mabisang tulay upang mas mapalapit sa ating Panginoong Hesus, Si Maria bilang taga-pamagittan tulad ng kanyang pagiging taga-pamagittan sa kapistahan sa kana. Si Maria nawa ay tularan natin bilang isang masunurin at mapagkumbabang tao nawa'y magaya natin ang kanyang pagiging tapat at ang kanyang lakas ng pananamplataya sa Panginoon.

       Si Maria Tulay kay Kristo!

GOD BLESS & MAMA MARY LOVES YOU!

"Kwaresma sa Taon ng Pananampalataya"

Sumapit na ang panahon ng kwaresma, panahon na kung saan ginugunita natin ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus.

 Ano nga ba ang diwa ng kwaresma para sa atin?

         Kwaresma ito ang panahon ng pagninilay kung saan inaalala natin ang dakilang pag tubos ng Panginoon  sapagkat sa kanyang dakilang pagmamahal niya sa kanyang mga nilikha, sa kanyang mga anak wala ng ibang makakahigit sa kanyang pag-ibig sa atin kahit na bugtong niyang anak ibinigay niya upang tayo ay matubos sa ating mga kasalanan, sa ating karumihan, sa ating pagkukulang, at sa ating pagiging suwail. Sa panahong ito, ito na ang pagkakataon upang tayo ay manumbalik sa ating Ama na nag-aantay lang sa ating pagbabalik nais ng Panginoon na tayo ay muli tayong hagkan. Tayo ay anak niyang, nilikha tayo sa wangis niya, Tayo ay kilala ng Panginoon sa ating mga pangalan at mahal na mahal tayo ng Diyos. Manumbalik ka lang at muli ka niyang hahaplusin, wag kang matakot sapagkat kasama mo siya sundan mo lang siya dahil tutungo sa ka kanya kabutihan. Sapagkat ang Panginoon ay mas makapangyarihan pa sa kasalanan manalangin ka lang sa kanya at siya ay tutugon.
        Sa panahong ito wag sana natin itong ipagdamot sa kanya isuko mo lang ang lahat ng problema mo at siya ng bahala sa atin sagot niya tayo dahil siya ang Diyos na buhay..

Salamat at Pagpapala mula sa Panginoong Hesus

Monday, February 11, 2013

Welcome to my Blog site

This is my first blog site, it all about Catholic Chirstian. This is my tool is teaching my Faith to others. Hope tis blog may help you in your problems and hope that I can answer all your question about the Catholic Faith ..

Thank you and God Bless