Friday, February 22, 2013

Sino si Maria?

Sino nga ba si Maria??

      Simple lang naman ang kasagutan tungkol sa tanung na yan, Si Maria ay isang dalagang babae na ikakasal sa isang lalaki na si Jose, Si Maria ay isang babae na maka-Diyos,madasalin at masunurin. Ito lamang ang simpleng katangian ni Maria ngunit nagbago ang lahat ng ito ng siya puspusin ng Diyos.

           Si Maria ay Ina ng Panginoong Hesus, siya ang naglihi at nagpalaki kay Hesus maaring sinasabi ng iba na, Bakit magkakaroon ng Ina ang diyos kung siya ay talagang diyos? simple lang sapagkat ang Panginoong Hesus ay nagkatawang tao at si Maria ang kanyang Ina. Si Maria ay THEOTOKOS sa simpleng sabe siya ang INA NG DIYOS.

       Maala natin ng siya ay dumalaw sa kanya pinsan na si Santa Elisabet nagsasayaw ang kanya bata sa sinapupunan at napawit siya sa kagalakan at nasambit ang mga katagang "Ina ng aking Panginoon"(Lucas 1:43) kilala ni Elisabet na si Maria ay ang Ina ng kanyan Panginoon. Kinilala ng Ama si Maria bago pa lamang siya ipinganak at si Maria ay ipinanganak ng walang bahid ng kasalanang mana, noon pa lang ay prineserba na siya ng Ama upang magdala sa ating Panginoong Hesus.

       Si Maria para sa ating mga mananampalataya ang siya mabisang tulay upang mas mapalapit sa ating Panginoong Hesus, Si Maria bilang taga-pamagittan tulad ng kanyang pagiging taga-pamagittan sa kapistahan sa kana. Si Maria nawa ay tularan natin bilang isang masunurin at mapagkumbabang tao nawa'y magaya natin ang kanyang pagiging tapat at ang kanyang lakas ng pananamplataya sa Panginoon.

       Si Maria Tulay kay Kristo!

GOD BLESS & MAMA MARY LOVES YOU!

2 comments: